Baliw Tanaw( Brief History)

Ang paaralang HERMENEGILDO J. ATIENZA ay nagsimula lamang sa dalawang kuwartong silid-aralan noong 1991.Ito ay may klase lamang sa Baitang I-II at annex ng Pedro Guevarra.

Noong taong 1997,nagkaroon ng dalawang karagdagang kuwarto na tinulungan maipatayo ng Sangguniang Barangay. Ang Barangay 649 Zone 68 o kilala bilang Barangay Bagong Lupa na napapaloob sa Baseco Compound at malapit sa Port Area o tinatawag na South Harbor ay siyang kinatatayuan ng paaralan.

Sa mga  sumusunod na taon, taong 1998, ang Pederasyon ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry ay nagdonate naman nang karagdagang silid-aralan kasama ang dalawang palikuran. Noong 1999, tatlong silid-aralan ulit ang naidagdag. Sa taon ding iyon ay nailipat ang pamamahala sa paaralan sa ilalim ng Paaralang Marcela Agoncillo. Noong taong-panuruan 2002-2003 ay nailipat uli ang pamamahala sa Paaralang Aurora A. Quezon, kung kaya’t napasailalim sa Ikalimang Distrito ang paaralan hanggang sa kasalukuyan. Sa parehong taon din ay naganap ang kauna-unahang Pagtatapos o Graduation. Noong Hulyo 2003, nagkaroon ito ng pangalan Paaralang Baseco na agad pinalitan noong Nobyembre 2003 ng kasalukuyang pangalan nito.

Sa ngayon, ang paaralan ay patuloy na lumalago. Naitayo ang Annex School- Senator Benigno S. Aquino Jr na may kabuuang 72 silid aralan.

Malayo na ang narating na pag-unlad ng paaralan at inaasahan pa ang patuloy nitong paglago para sa misyon nitong hubugin ang kabataang Baseco tungo sa aral ng pamumuhay.


PILLARS OF H.J.A.E.S

alib
  • DR. TERESITA G. ALIB
  • 2003-2008
soriano
  • MR. EMMANUEL R. SORIANO
  • 2008-2012
gelua
  • MR. NOEL L. GELUA
  • 2012-2015
sir pic
  • MR. GRACIANO A. BUDOY JR.
  • 2015-PRESENT